Ang sumukong rebel senior spy ay kinilalang si Nestor Guyo ng Brgy. Luzong, Luba ng lalawigang ito.
Base sa ulat na nakalap kahapon mula sa tanggapan ni Army chief Lt. Gen. Hermogenes Esperon Jr., dakong alas-8 ng umaga nang sumuko si Guyo kay Lt. Col. Angelito de Leon, commanding officer ng Armys 41st Infantry Battalion na nakabase sa Barangay Tagudtod ng nasabing munisipalidad.
Napag-alamang si Guyo ay naunang sumapi sa New Peoples Army bago sumama sa breakaway faction ng Cordillera Peoples Liberation Army (CPLA) kung saan ito naging chief political officer sa Cordillera Region.
Gayunman nang makipagkasundo ang CPLA sa pamahalaan ay muling naging aktibo si Guyo sa CPLA.
Isinurender nito ang kaniyang mga armas at bala na kinabibilangan ng isang M16 rifle, M203 grenade launcher, walong rounds ng bala ng 40MM grenade launcher, isang maikling magazine ng M16 at 13 rounds ng bala ng M16.
Si Guyo ay nagdesisyong sumuko para magbagumbuhay matapos ang matagumpay na negosasyong isinagawa ni CPLA leader Modesto Sagundang.
Kasalukuyan na ngayong sumasailalim sa tactical interrogation ng militar ang sumukong rebel chief spy. (Joy Cantos )