Vendor dinedo ng sikyu sa beach resort
October 7, 2005 | 12:00am
OLONGAPO CITY Isang 34-anyos na vendor ang iniulat na nasawi habang kritikal naman ang kasamahan nito matapos na pagbabarilin ng security guard sa loob ng White Rock beach resort na sakop ng Barangay Matain sa bayan ng Subic, Zambales kahapon ng umaga.
Sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Rogelio Aspe, kinilala ang nasawing biktima na si Amirol Hambali, alyas "Armie" tubong Sanggali, Zamboaga City at naninirahan sa Muslim Area sa Purok 6-B, Barangay Calapacuan, Subic, Zambales.
Ginagamot naman sa James L. Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City si Sandy Juaji.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Abdurasul Naser, naitala ang krimen kahapon ng umaga habang nagtitinda ng mga souvenir items ang mga biktima sa loob ng White Rock resort nang sitahin ng suspek na si Romy de Guia, 33, isang security guard ng NSIA Security Agency.
Dahil sa bawal magtinda sa loob ng nabanggit na beach resort ay nilapitan ng suspek ang dalawang biktima saka kinompronta at nang aktong poposasan ang dalawa ay biglang tumakbo papalabas ng resort si Hambali kaya napilitang pagbabarilin ni de Guia ang mga biktima hanggang sa duguang bumulagta ang dalawa.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang suspek kasabay ang kasong frustrated homicide na isasampa ng pulisya laban dito. (Jeff Tombado at Alex Galang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended