Mag-lolo todas sa araro ng dyip
October 6, 2005 | 12:00am
Nueva Vizcaya Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakalawit ni kamatayan ang mag-lolo matapos na araruhin ng pampasaherong dyip sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Quirino sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya, ayon sa ulat ng pulisya.
Ayon kay SPO4 Ruben Ramiscal ng PNP Bagabag, nakilala ang mag-lolong nasawi na sina Crisanto Aggalut, 77 at apo nitong si Grace Galanza, 8, kapwa residente ng Barangay Tuao North, Bagabag sa lalawigang ito.
Bandang alas-7:30 ng umaga habang nag-aabang ng masasakyan ang mag-lolo sa gilid ng highway sa Barangay Quirino matapos nilang magbenta ng 1 kabang palay nang mangyari ang aksidente.
Lumalabas pa sa pagsisiyasat ng pulisya na nag-overtake ang pampasaherong jeep na may plakang AVG 532 na minamaneho ni William Bunnol, 50, ng Poblacion East, Lagawe Ifugao sa sinusundan nitong traktora at dito nahagip ang dalawa na nasa kabilang linya ng kalsada.
Agad na nasawi ang biktimang si Grace sanhi ng tinamong sugat sa ulo habang mabilis naman na isinugod sa Veterans Regional Hospital ang lolo nito, subalit hindi na umabot ng buhay.
Agad namang sumuko ang drayber ng dyip sa himpilan ng pulisya upang panagutan ang naganap na insidente. (Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended