Kapag di sumunod sa conversion, prangkisa ng AUVs kakanselahin
October 4, 2005 | 12:00am
Kakanselahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng mga Asian Utility Vehicles (AUVs) na hindi susunod sa AUV conversion ng ahensiya ngayong taon.
Ang mga sasailalim sa AUV conversion ay ang mga pampasaherong sasakyan na may franchise na vehicle-for-hire, garage service, airconditioned jeeps, FX mega taxi, shuttle service.
Sa isang panayam, sinabi ni LTFRB board member Gerardo Pinili, napadalhan na nila ng sulat ang mga operator ng nabanggit na sasakyan at kapag lumampas ang 10 araw at hindi ang mga ito nag-comply ay mapipilitan silang ibasura ang prangkisa ng mga ito.
May mahigit 7,000 AUVs ang nabigyan ng franchise ng LTFRB magmula noong panahon ni dating LTFRB Chairman Dante Lantin.
Sa panig naman ng mga operator ng AUVs, hindi agad sila makasagot sa naipapadalang sulat ng LTFRB bunga na rin ng sobrang taas ng halaga ng bayarin para sa conversion. P30,000 ang gagastusin ng isang operator sa pag-convert ng kanilang sasakyan para sumailalim sa AUV express program ng ahensiya.
Niliwanag naman ni Pinili na ang hakbang ay ginagawa lamang ng ahensiya upang maging isa na lamang ang prangkisa ng lahat ng AUV at upang mawalis na ang paniningil ng P10 kada ulo sa bawat pasahero ng nabanggit na mga sasakyan. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended