Hazing: Criminology stude todas
October 4, 2005 | 12:00am
ILOILO CITY Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 19-anyos na Criminology student makaraang hindi makayanan ang pagpapahirap mula sa sinalihang fraternity sa kanilang eskuwelahan noong Sabado sa Barangay Purog sa bayang Dueñas, Iloilo City.
Dakong alas-2:30 ng hapon nang ideklarang patay sa West Visayas State University Medical Center ang biktimang si Dan Robert Talibutab, isang araw ang nakalipas matapos sumailalim sa initiation rites sa bayang nabanggit.
Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang biktimang 2nd year student sa St. Therese College sa La Paz ay may mga pasa at maraming galos sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan dulot ng pagpapahirap.
Ayon sa ulat, sumali ang biktima sa grupong Kapatiran ng Kabataan sa Kriminolohiya na pinaniniwalaang hindi accredited ng nabanggit na kolehiyo.
Napag-alamang nagsagawa ng hazing ang nasabing fraternity sa bahaging sakop ng Barangay Purog. Nang bumalik ang biktima sa kanyang boarding house kahapon ay biglang hinimatay matapos na kumain na kasama ang classmate na si Irene Villanos.
Agad naman isinugod sa La Paz Maternity Clinic ang biktima bago inilipat sa nabanggit na hospital, subalit idineklarang patay. (Ronilo Pamonag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended