Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-6 ng gabi habang ang suspek at asawa nito ay naglalakad nang harangin ng lasing na biktima.
Hinamon umano ng suntukan ng biktima ang suspek at palibhasay lasing ay hindi ito pinansin ng nasabing lalaki na nagpatuloy sa paglalakad.
Subalit naging makulit ang lasing na pinagpapalo ang suspek ng dos por dos bunsod upang tuluyan itong magalit at ipagtanggol ang sarili ng pagtatagain ang biktima na siya nitong ikinamatay. (Tony Sandoval)