^

Probinsiya

Paslit ni-rape slay sa kapihan

-
CAVITE – Pinaniniwalaang hinalay muna bago pinatay ang isang paslit na babae makaraang matagpuang naaagnas sa plantasyon ng kape sa bahagi ng Barangay Malaking Tatiao sa bayan ng Silang, Cavite, kamakalawa.

Kasalukuyang bineberipika pa ang pagkikilanlan sa biktima na may edad na 10 hanggang 14-anyos, mahaba ang buhok at walang saplot sa katawan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Zosimo Casabal, natagpuan ni Myrnalyn Arellana ang bangkay ng bata sa plantasyon ng kape na pag-aari ni Marcial Reyes.

Sa salaysay ni Arellana sa pulisya, nangangahoy siya sa nasabing plantasyon nang makaamoy ng masangsang sa hindi kalayuan kaya tinungo nito hanggang sa lumantad sa kanya ang bangkay ng paslit na naaagnas.

Narekober ng pulisya ang pares ng tsinelas na kulay pula at abuhing short na pinaniniwalaang pag-aari ng biktima.

Isinailalim na sa awtopsiya sa Funeraria Luna ang bangkay ng biktima kung positibo nga na hinalay bago pinatay.

May posibilidad na napagtripan ang biktima ng mga kalalakihan adik sa bawal na gamot na naglipana sa nabanggit na barangay. (Cristina Timbang)

vuukle comment

ARELLANA

BARANGAY MALAKING TATIAO

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

FUNERARIA LUNA

ISINAILALIM

KASALUKUYANG

MARCIAL REYES

MYRNALYN ARELLANA

ZOSIMO CASABAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with