2 Sayyaf dedo sa engkuwentro

CAMP AGUINALDO – Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang mga bandidong Abu Sayyaf ang kumpirmadong nasawi sa naganap na sugupaan laban sa tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Sitio South sa bayan ng Panamao, Sulu, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ni Col. Juanito Sabban ng 3rd Marine Brigade, ang dalawang napaslang na bandido na sina Wedjimeh Sayad at Ahmad Sabudin na kapwa close-in security ni ASG Sub leader Jundam Jamalul alyas Black Killer na sangkot sa Sipadan kidnapping noong 2000. Pansamantala naman hindi isiniwalat ang pangalan ng kawal ng militar na napatay din sa naganap na engkuwentro. Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang M16 rifle, iba’t ibang uri ng bala ng baril gamit-pandigma ng mga bandido. (Joy Cantos)

Show comments