P2.2-M natangay sa Petron
September 29, 2005 | 12:00am
CAVITE Aabot sa P2.2 milyon ang nasikwat mula sa apat na empleyado ng gasolinahan makaraang holdapin ng limang armadong kalalakihan sa kahabaan ng Gen. Aguinaldo Highway sa Barangay Palico sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng hapon.
Base sa imbestigasyon ni PO1 Randy Dela Rea, sakay ng Nissan Patrol (SBD 267) ang apat na empleyado ng Petron gasoline station patungo sa bangko upang ideposito ang nabanggit na halaga.
Napag-alamang naipit ng trapik ang mga biktima kaya sinamantala ng mga holdaper na sakay ng tatlong motorsiklo na dikitan ang sasakyan ng mga ito.
Nagdeklara ng holdap ang mga hindi kilalang armadong kalalakihan at sa takot ng mga biktima na mapatay ay ibinigay na lamang ang bag na naglalaman ng malaking halaga.
Maging ang dalawang baril ng mga security guard ay tinangay ng mga holdaper.
May posibilidad na natunugan ng mga holdaper ang mga biktima na may bitbit na malaking halaga kay isinagawa ang krimen. (Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest