Ang bangkay ng biktima na natagpuang walang saplot sa katawan ay nakilalang si April Rodriguez, samantala, sasampahan ng kaukulang kaso ang dalawang suspek na si Bernardo Vicente at Jesus Tanega na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Benjamin Silo, hepe ng pulisya sa bayan ng Orion, huling namataang buhay ang biktima na nakipanood ng telebisyon sa bahay ni Milagring Labida, habang nasa labas ng bakuran ang mga suspek na nag-iinuman ng alak.
Napag-alamang hindi na nakauwi pa ang biktima hanggang sa hanapin ng kanyang mga magulang na sina Cesar at Maricel Rodriguez na galing sa pangingisda.
Makalipas ang ilang oras na paghahanap ay natagpuan ang bangkay ng biktima na walang saplot sa katawan.
Lumitaw sa isinagawang awtopsiya ni Chief Insp. Edison Lopez ng Bataan PNP crime laboratory, ang biktima ay may palatandaang hinalay at nagkaroon ng ibat ibang galos sa katawan maging ang leeg ay nabarahan ng dugo na nagpapatunay na pinatay sa sakal ang bata. (Jonie Capalaran)