^

Probinsiya

Mag-asawang trader hinoldap

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite — Tinatayang aabot sa P.4 milyong mamahaling alahas ang natangay sa mag-asawang trader makaraang holdapin ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng lansangang sakop ng Barangay Wakas sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mag-asawang biktima na sina Romeo at Magdalena Dayrit, may-ari ng jewelry shop at residente ng Tanggulan Street sa nabanggit na barangay. Ayon kay SPO4 Margarito Alba, sakay ng kotse (TNW214) ang mag-asawa nang harangin ng 3 motorsiklo na lulan ang mga suspek. Hindi na nakapalag pa ang mag-asawa matapos na tutukan ng baril at kunin ang nasabing mga alahas. (Cristina Timbang)
Mister Tinodas Sa Birthday
BULACAN — Pinagtulungang saksakin ng basag na bote hanggang sa mapatay ang isang 24-anyos na mister ng apat na kalalakihan habang nagse-celebrate ng birthday ang biktima sa Barangay Bagbaguin sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa ospital, subalit idineklarang patay ang biktimang si Ruel Duela, samantala, tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Alejo Santos, 20; Sherwin Lutao, 23; Orlando Goballa, 25 at isang hindi nakilala. Napag-alamang inimbitahan ng biktima ang apat na suspek sa kanyang birthday at dahil sa pawang mga lango na sa alak ay nagkainitan hanggang sa maganap ang krimen. (Efren Alcantara)
2 Patay Sa Alitan Ng 2 Pamilya
KAMPO SIMEON OLA , Legazpi City — Dalawa-katao ang iniulat na nasawi sa naganap na bangayan ng magkalabang angkan sa Barangay Punong Magarao sa Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Kapwa bulagta ang mga biktimang sina Rodolfo Calderon, 57 at Joseph Villacorte, 36, na pawang residente ng nabanggit na barangay. Sumuko naman sa pulisya ang mga suspek na sina Lutgardo Calderon,17 at Rodolfo Calderon Jr.,19. Naitala ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi matapos ang matinding bakbakan ng mga biktima at suspek sa naganap na kaguluhan sa nabanggit na lugar. (Ed Casulla)

vuukle comment

ALEJO SANTOS

BARANGAY BAGBAGUIN

BARANGAY PUNONG MAGARAO

BARANGAY WAKAS

CAMARINES SUR

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

ED CASULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with