^

Probinsiya

Globe cell site, construction firm sinunog

-
CAMP AGUINALDO — Isa na namang Globe Telecoms cell site at isang construction firm ang iniulat na pinasabog at sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa magkahiwalay na insidente ng karahasan sa Bukidnon at Agusan del Norte, kamakalawa.

Base sa ulat, ang panibagong pag-atake ng mga rebelde laban sa Globe Telecoms cell site na pag-aari ng prominenteng angkan ng mga Ayala ay naitala bilang ika- 11 sa karahasang isinagawa simula lamang nitong nakalipas na Hulyo 2005.

Dakong alas-11 ng gabi, kamakalawa nang lusubin at pasabugin ng mga rebelde ang cell site ng Globe Telecoms sa bayan ng Impasugong, Bukidnon kung saan agad na dinisarmahan ang nag-iisang guwardiya dito.

Kasunod nito, sa isa pang insidente, dakong alas-9:30 naman ng umaga nang salakayin ng mga rebelde ang CBBI Construction Firm sa Barangay de Oro sa Butuan City, Agusan del Norte .

Agad na binuhusan ng gasolina ang payloader ng nasabing kompanya saka sinindihan hanggang sa magliyab at tuluyang mawasak kung saan matapos ang pananabotahe ay mabilis na nagsitakas.

May teorya ang mga awatoridad na ang pananabotahe ay may kinalaman sa papatindi pang pangingikil ng mga rebelde tugnkol sa revolutionary tax sa mayayamang negosyante sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Joy Cantos)

vuukle comment

AGUSAN

AYALA

BUKIDNON

BUTUAN CITY

CONSTRUCTION FIRM

GLOBE TELECOMS

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with