Mister natusta sa sunog

CAVITE – Isang 42-anyos na mister ang iniulat na nasawi makaraang makulong sa kanyang bahay na nasusunog sa Golden City Subdivision sa Barangay Salawag, Dasmariñas, Cavite kahapon ng madaling-araw. Halos masunog ang buong katawan ng biktimang si Isagani Alvarado ng Block 9, Lot 3 ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Lorenzo Balbuena naitala ang insidente ganap na ala-una ng madaling-araw matapos na maiwan ng biktima ang nilulutong kape na naging sanhi ng sunog at kumalat ang apoy sa buong kabahayan. Wala namang nagawa ang mga kapitbahay ng biktima dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy at halos lahat ng pintuan ay naka-padlock. (Lolit Yamsuan)

Show comments