Globe cell site sinilaban

CAMP AGUINALDO — Isa na namang Globe cell site ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bahagi ng Tagbilaran City, Bohol kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni SPO3 Pileo Sagaran, hepe ng pulisya, pinasok ng mga rebelde na nagpanggap na mga kawal ng militar ang compound ng Globe Telecommunications Company bago iginapos ang guwardiya.

Agad na binuhusan ng gasoline ang tatlong generators, dalawang antenna at ang radio room bago sinilaban hanggang sa lamunin ng apoy. Sa talaan ng AFP, umaabot na sa 11 cell site ng Globe Telecommunications ang sinasabotahe ng mga rebelde sa iba’t ibang dako ng bansa bunga ng pagtangging magbayad ng revolutionay tax sa grupong makakaliwa. (Joy Cantos)

Show comments