Ang biktimang si Vicente Oñate, officer-in-charge ng binuwag na Pucalan Plantation sa bayan ng Balabagan ng nasabing lalawigan ay ligtas na narekober ng mga awtoridad.
Nauna nang humingi ng P5 milyon ransom ang mga kidnaper para mapalaya ang biktima at napaulat na nakipagnegosasyon para bumaba ang halaga ng ransom.
Base sa record ng pulisya, ang biktima ay dinukot sa Integrated Southbound terminal sa Iligan City noong Hulyo 1, 2005.
Matapos marekober ng Task Force Ranao na pinamumunuan ni Brig. Gen. Ben Mohammad Dolorfino, ang biktima na napagkamalan itong tagapagmana ng isang mayamang angkan ng mga negosyanteng Chinese kaya ito kinidnap.
Naglunsad na ng malawakang hot pursuit operations ang tropa ng Phil. Marines laban sa mga kidnaper na responsable sa pagdukot sa biktima. (Joy Cantos)