AFP vs NPA: 6 todas, 4 sugatan
September 27, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Apat na rebeldeng New Peoples Army (NPA) at dalawang sundalo ang iniulat na nasawi habang apat pa sa tropa ng militar ang nasugatan sa naganap na magkakahiwalay na engkuwentro sa bahagi ng Isabela at Nueva Ecija, kamakalawa.
Bandang alas-11:30 ng tanghali nang makasagupa ng tropa ng Armys 45th Infantry Battalion (IB) ang mga rebelde sa liblib na bahagi ng Barangay Madadamian, Echague, Isabela noong Setyembre 22.
Umabot ng 30-minutong bakbakan na ikinasawi nina 2nd Lt. Gerry Fernandez at Pfc James Alejandro.
Sa ulat na nakarating kahapon kay AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga, kinilala naman ang mga nasugatan na sina Private First Class Lorenzo Mina, Wesly Gines, Sgt. Freddie Gacay at isang tinukoy lamang sa pangalang Pfc Dominador.
Isa ring bangkay ng di pa nakilalang rebelde ang narekober sa pinangyarihan ng sagupaan at dinala na sa Carbonel Funeral Homes para maisailalim sa awtopsya.
Narekober naman sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M 60 machine gun at isang M 14 rifle.
Sa isa pang sagupaan noong Linggo, sinabi ni AFP-PIO Chief Lt. Col. Buenaventura Pascual na tatlong rebelde ang napatay at apat na armas naman ang nasamsam matapos na makasagupa ang grupo ng Seksyon ng Bravo Company ng Armys 71st Infantry Battalion ang mga rebelde sa Barangay Cordero sa bayan ng Lupao, Nueva Ecija.
Nakilala naman ang isa sa mga rebeldeng nasawi na si Roman Estrella Frelo, alyas Jong-Jong ng Parañaque City, Metro Manila.
Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operations ng tropa ng mga sundalo laban sa nakatakas pang mga rebelde. (Joy Cantos, Victor Martin at Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended