Sa ulat ni C/Insp. Hersan Mojica, positibong itinuro ng biktima na itinago sa pangalang Alice, dalagita at residente ng nabanggit na lugar ang naarestong mga suspek na sina Mark Anthony Gejis, 19, at Ricky Parchamento 18, kapwa binata, ng nasabi ring lugar.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Arnulfo Lopez, may hawak ng kaso dakong alas-9:00 ng gabi nang sumakay ang biktima sa pedicab ni Gejis na kasama ang isa pang suspek. Imbes na ihatid ito sa kanyang tahanan ay puwersahan umano siyang dinala sa bakanteng bahay. (Cristina Go-Timbang)