Parak, wanted dedo sa sagupaan

Kapwa nasawi ang isang alagad ng batas at hinuhuli nitong wanted suspected criminal matapos na magka-engkuwentro habang isinisilbi ang isang arrest warrant laban sa huli sa Benguet kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na sina PO3 Pedro Hombrebueno, nakatalaga sa Aguinaldo Municipal Police Station at wanted na si Ben Pumalo, miyembro naman ng isang notoryus na gang na pinamumunuan umano ng isang nagngangalang Rizaldy Talaro na idineklarang public enemy number 1 sa Nueva Vizcaya.

Batay sa ulat na nakarating kay Chief Supt. Noe Wong, director ng Police Regional Office (PRO) sa Cordillera, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa Hacmal Aguinaldo, Ifugao.

Nagtungo umano si Hombrebueno at iba pang pulis sa nasabing lugar upang maghain ng warrant of arrest laban kay Talaro sa kasong homicide at carnapping subalit nanlaban ang mga ito sanhi ng barilan na ikinasawi ng mga nabanggit. Nasugatan naman sa palitan ng putok si PO3 Lucio Tawaran. (Angie dela Cruz)

Show comments