^

Probinsiya

Pasay lady judge nilooban, pinatay!

-
PANGASINAN – Isang babaeng hukom ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang pinatay ng mga hinihinalang miyembro ng "Akyat Bahay" gang matapos pagnakawan sa loob ng kanyang tahanan kamakalawa ng gabi sa bayan ng Natividad, ng lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Estrellita Paas, 61, presiding judge ng Pasay RTC Branch 44 at residente sa Brgy. Poblacion West, Natividad.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5:40 ng hapon nang makita ni Atty. Reinerio Paas, asawa ng biktima ang huli na duguang nakahandusay sa loob ng comfort room ng kanilang tirahan. Nakitaan na may isang tama ng saksak sa likod ang biktima.

Nabatid na mag-isa lamang ang nasabing hukom na naiwan sa kanilang tahanan at huling nakausap ng kanyang msiter dakong ala-1 ng hapon nitong Biyernes bago dumalo ang huli sa induction program ng isang paaralan dito.

Nadiskubre ng pulisya na nawawala ang cellular phone ng judge, isang camera at kalibre 22 baril.

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang mga elemento ng Scene of the Crime Office (SOCO) na nakabase sa Urdaneta City.

Hiniling na rin ng pamilya Paas sa National Bureau of Investigation na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon hinggil sa pagpatay sa nasabing hukom na sumasailalim na sa awtopsiya ang mga labi nito. (Eva Visperas)

AKYAT BAHAY

ESTRELLITA PAAS

EVA VISPERAS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIVIDAD

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

POBLACION WEST

REINERIO PAAS

SCENE OF THE CRIME OFFICE

URDANETA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with