Dance party binomba: 3 patay, 12 sugatan
September 25, 2005 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Nauwi sa isang malagim na trahedya ang isang masayang dance party matapos na hagisan at pasabugan ng granada ng isang retiradong sundalo sanhi ng pagkasawi ng tatlong katao at pagkasugat ng 12 pang katao kamakalawa ng gabi sa Pigcawayan, North Cotabato.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina, Dionel Setida, 14, Leo Ugminales,13 at Jessie Vilanis 40, pawang nakatira sa nasabing lugar.
Anim sa 12 nasugatan ang nakilalang sina Jhon Arvin Susi, Ryan Nitafan, Nicanor Baguio, Jeson Ballos, Ervin Mark Susi at Marvin Abayon.
Agad namang naaresto ang suspek na si ret. Army M/Sgt. Leo Saiduque, dating miyembro ng 39th Infantry Battalion. Siya ay nakaditine sa Pigcawayan Police Station at sumasailalim sa imbestigasyon bagaman itinanggi nito na siya ang resposable sa paghagis ng bomba.
Ayon kay Maj. Gen. Agustin Dema-ala, commander ng 6th Army Division na nakabase sa Central Mindanao, bandang alas-11 ng gabi nang maganap ang pagsabog sa Brgy. Kimarayag.
Sinabi ni Dema-ala na kanilang tinitingnan ang motibo na posibleng alitan sa pagitan ni Sayduque at isang grupo ng mga kabataan na dumalo sa nasabing kasiyahan.
Napag-alaman ng awtoridad na nasa impluwensya ng alak ang suspek at nakipagtalo sa isang grupo ng mga kabataan sa loob ng dance hall bago naganap ang nasabing insidente. (Jhon Unson, Roel D. PareÑO At Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest