P.5-M pampasabog nasamsam sa trader
September 24, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Naaresto ng pinagsanib na elemento ng Phil. Navy at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang negosyante makaraang masamsaman ng P.5-milyong eksplosibo sa bayan ng Calasiao, Pangasinan kamakalawa.
Kinilala ni Phil. Navy Spokesman Captain Geronimo Malabanan, ang nasakoteng suspek na si Rolly Mapano.
Nabatid na dakong alas-11:30 ng umaga nitong Huwebes nang salakayin ng mga awtoridad ang Agricultural Supplies Store na pag-aari ni Mapano sa bayan ng Calasiao.
Nasamsam ang 335 sako ng ammonium nitrate, tatlong kilong detonating cord at 10 kilong blasting caps na nagkakahalaga ng P508,000,00.
Ang nakumpiskang pampasabog ay nasa kustodya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Dagupan City para sa kaukulang disposisyon.
Kasalukuyan namang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ang suspek at bineberipika kung may kaugnayan sa ilang grupo ng sindikato na naghahasik ng karahasan sa nabanggit na bayan.
Magugunita na inalerto ng mga opisyal ng ibat ibang ahensya ng gobyerno ang kanilang security forces matapos na makatanggap ng intelligence reports na sampung suicide bombers galing Indonesia ang nasa bansa at nagbabalak maghasik ng terorismo tulad ng pambobomba. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am