^

Probinsiya

4 sekyu dedo sa NPA

-
CAMP CRAME – Apat na sekyu ang kumpirmadong nasawi habang dalawa pa ang grabeng nasugatan matapos lusubin ng mga rebeldeng New People’s Army ang farm na binabantayan ng mga biktima sa bahagi ng Barangay San Jose sa bayan ng Quezon, Bukidnon, ayon sa ulat kahapon.

Kabilang sa mga biktimang napatay ay kinilala sina Eladio Decir, Felix Labanan, Louie Labrado at Jonard Salilig.

Samantala, kritikal naman ang kalagayan ng dalawa pang sekyu na sina Ricky Tandogon at Leo Reyes.

Napag-alamang hinagisan ng pampasabog at sinalakay ng mga rebelde ang binabantayang Ozamis Agricultural Development Inc. sa nabanggit na barangay dakong alas-4:10 ng hapon.

Mabilis namang dinepensahan ng mga biktima ang binabantayang farm sa kabila ng maraming rebeldeng sumasalakay ay nakipagpalitan ng putok hanggang sa bumulagta ang apat na sekyu.

Bago tuluyang nagsitakas ng mga rebeldeng ay tinangay pa ang apat na 12 gauge shotguns at isang M 14 rifle ng mga guwardiya na nagtatrabaho sa ilalim ng Tagbayani Security Agency.

Pinaniniwalaan namang ang nasabing pag-atake ay may kinalaman sa pangingikil ng mga rebelde ng revolutionary tax sa may-ari ng naturang farm.

Naglunsad na ng malawakang pagtugis ang pinagsanib na mga elemento ng Army’s 26th Infantry Battalion (IB) at ang mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Quezon laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa naganap na insidente. (Joy Cantos)

BARANGAY SAN JOSE

ELADIO DECIR

FELIX LABANAN

INFANTRY BATTALION

JONARD SALILIG

JOY CANTOS

LEO REYES

LOUIE LABRADO

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with