Magpinsan todas sa road mishap
September 22, 2005 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Tumilapon ng may ilang metro mula sa sinasakyang motorsiklo ang magpinsan na kapwa nasawi matapos na masalpok ng kasalubong na trak sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Canlalay sa bayan ng Biñan, Laguna kamakalawa. Ang mga biktimang lulan ng motorsiklong may plakang TO 1572 ay nakilalang sina Joselito Bawiga at Cesar De Castro, samantalang sugatan naman si John Joel De Castro. Nasa custody ng pulisya ang drayber ng trak (UHX-840) na si Antonio Bonito ng Apacible Street, Paco, Maynila. Patuloy naman na iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na sakuna. (Ed Amoroso)
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Isang 43-anyos na buntis na misis ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nanonood ng telebisyon sa sariling bahay sa Barangay San Vicente sa Buraburan, Buhi, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Duguang nakabulagtang natagpuan ng kanyang mister ang biktimang Merly Morante-Atencio na nagtamo ng maraming sugat ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan. Wala naman mapagkikilanlan sa suspek na pinaniniwalaang lango sa bawal na gamot nang pasukin ang bahay ng biktima at isagawa ang pamamaslang. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest