Pulis sinapak ng preso
September 22, 2005 | 12:00am
CAVITE Duguan ang mukha ng isang tauhan ng pulisya na nakatalaga sa Camp General Perma makaraang sapakin ng isang presong nagtangkang tumakas sa piitan ng Tagaytay City, kamakalawa ng umaga.
Nagtamo ng malaking pinsala sa mukha ang biktimang si PO1 Rommel Dimaala ng Provincial Mobiler Group sa Camp General Perma sa Tagaytay City matapos na suntukin ng suspek na si Ronal Vergara, 22, traysikel drayber, at residente ng Barangy Upli sa bayan ng Lemery.
Napag-alamang si Vergara ay nakulong sa hindi nabatid na kaso.
Lumitaw sa pagsisiyasat ni SPO1 Samuel Baybay, ganap na alas-8:30 ng umaga nang tawagin ni Vergara si PO1 Dimaala para magpaalam na magtutungo sa palikuran.
Lumapit naman si PO1 Dimaala at habang binubuksan nito ang pintuang bakal ng selda ay agad namang sinapak ni Vergara ang pulis hanggang sa magkagulo sa labas ng nabanggit na piitan.
Wala namang nagawa si Vergara at naibalik muli sa kulungan matapos na pagtulungang pigilan ng mga kasamahang pulis ni PO1 Dimaala.
Dobleng kaso naman ang kinakaharap ng suspek maliban sa naunang kasong isinampa. (Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Cristina Timbang | 22 hours ago
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am