Ayon kay Chief Inspector Raul Tacaca, hepe ng Sto Tomas police, nasabat ang isang ten-wheeler truck (HVH-844) na minamaneho ni Romeo Obosin, bandang alas-6:00 ng gabi sa Maharlika Highway na sakop ng nabanggit na barangay.
Nadiskubre na naglalaman ito ng 300 sako ng assorted used clothes na nakatago sa pagitan ng mga pinitpit na lata na naka pangalan sa isang Jack Yap ng Cebu City patungo sana ng Metro Manila.
Ayon naman kay Bureau of Customs-Batangas District Collector Atty. Adelina Molina, ang kargamento ay posibleng galing Cebu at nakalusot sa Tacloban Port at bumiyahe via Samar, tapos Bicol hanggang sa masabat sa Batangas.
Dinala na ng Batangas police ang mga epektos sa pangangalaga ng Bureau of Customs noong Martes na pinangunahan din ni BOC Enforcement and Security Service Director Nestorio Gualberto sa BOC Batangas compound para sa kaukulang disposisyon. (Arnell Ozaeta)