^

Probinsiya

P1.5-M ukay-ukay nasabat

-
STO. TOMAS, Batangas Umaabot sa P1.5- milyon halaga ng ukay-ukay ang nasabat ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang operasyon sa checkpoint noong Sabado ng gabi sa Barangay San Miguel sa bayang ito.

Ayon kay Chief Inspector Raul Tacaca, hepe ng Sto Tomas police, nasabat ang isang ten-wheeler truck (HVH-844) na minamaneho ni Romeo Obosin, bandang alas-6:00 ng gabi sa Maharlika Highway na sakop ng nabanggit na barangay.

Nadiskubre na naglalaman ito ng 300 sako ng assorted used clothes na nakatago sa pagitan ng mga pinitpit na lata na naka pangalan sa isang Jack Yap ng Cebu City patungo sana ng Metro Manila.

Ayon naman kay Bureau of Customs-Batangas District Collector Atty. Adelina Molina, ang kargamento ay posibleng galing Cebu at nakalusot sa Tacloban Port at bumiyahe via Samar, tapos Bicol hanggang sa masabat sa Batangas.

Dinala na ng Batangas police ang mga epektos sa pangangalaga ng Bureau of Customs noong Martes na pinangunahan din ni BOC Enforcement and Security Service Director Nestorio Gualberto sa BOC Batangas compound para sa kaukulang disposisyon. (Arnell Ozaeta)

ADELINA MOLINA

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY SAN MIGUEL

BATANGAS

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF CUSTOMS-BATANGAS DISTRICT COLLECTOR ATTY

CEBU CITY

CHIEF INSPECTOR RAUL TACACA

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE DIRECTOR NESTORIO GUALBERTO

JACK YAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with