5-katao grabe sa rambulan
September 20, 2005 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Lima-katao ang iniulat na malubhang nasugatan sa naganap na rambulan sa loob ng videoke bar sa Barangay Maharlika West sa Tagaytay City, kamakalawa ng gabi. Ginagamot ngayon sa Ospital ng Tagaytay ang mga biktimang sina Bryan Bayot, 21; Randy Jun Monreal, 19; Johnson Cadacio, 19; Ronald Dinapo, 23 at Efren Pica, 26, na pawang residente ng Barangay Kaybagal South ng lungsod na ito.
Nadakip naman ang isa sa mga suspek na si Nowie Tafalla, 33, karpintero. Sa imbestigasyon ni PO2 Rosauro Calvarado Jr., naitala ang insidente dakong alas-10 ng gabi habang nag-iinuman ang grupo ng mga biktima at suspek sa loob ng Tammys Bar sa nabanggit na barangay. Sa hindi nabatid na dahilan ay biglang nagrambulan ang dalawang grupo at nasaksak ang mga biktima. (Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended