3 suspek sa pagpatay kinasuhan
September 20, 2005 | 12:00am
ORANI, Bataan Tatlong kalalakihan na pawang kasapi ng makakaliwang kilusan ang kinasuhan matapos na makilala ng pulisya na responsable sa pagpatay sa isang barangay secretary noong Setyembre 11, 2005 sa Barangay Tugatog, sa bayan ng Orani, Bataan. Ang mga suspek na kasalukuyang tugis ng pulisya ay nakilalang sina Marfil Galang, alyas Ka Turing ng Tarlac; Analito Estrada, alyas ka Revo ng Mariveles at isang nakilala lang na alyas na Ka Migs/Gims.
Sa record ng pulisya, ang biktimang si Romualdo Flores ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga suspek sa loob ng sariling bahay sa Barangay Tala. Ilan sa mga residente ang nakasaksi sa krimen kaya nakilala agad ang mga suspek na lulan ng motorsiklo, ayon kay P/Senior Insp. Asterio Cumigad. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest