^

Probinsiya

Tsinoy trader, ka-live-in kinatay

-
BULACAN — Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang Tsinoy trader at ka-live-in partner nito ng dalawa nilang tauhan sa Sitio Cabiawan sa Barangay Bangal 1st sa bayan ng Plaridel, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Jhoanna Ponseca, kinilala ang mga biktimang sina Felix Lee, 52 at Josepina Silvestre, 75, ng nabanggit na barangay.

Samantala, tugis ng pulisya ang mga suspek na sina Artemio "Temiong" Agat, 27, ng Mandaue City at Arturo "Tala" Estemado, 27, ng Baguio City.

Base sa ulat, ang dalawang suspek ay kapwa stay-in worker sa compound na pag-aari ng mga biktima sa nabanggit na barangay.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapahangin ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay nang pasukin ng mga suspek.

Pinagtulungan saksakin at paluin ng matigas na bagay ang ulo ng mag-live-in partner at iniwang duguan sa sala ng bahay.

Kasalukuyan namang tugis ng pulisya ang mga suspek upang mabatid ang motibo ng krimen na naganap dakong alas-8:30 ng gabi. (Efren Alcantara)

vuukle comment

AGAT

BAGUIO CITY

BARANGAY BANGAL

EFREN ALCANTARA

FELIX LEE

JHOANNA PONSECA

JOSEPINA SILVESTRE

MANDAUE CITY

SENIOR INSP

SITIO CABIAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with