13-katao patay sa dengue
September 20, 2005 | 12:00am
SAN FERNANDO CITY, La Union Aabot sa 13-katao na karamihan ay paslit ang iniulat na nasawi dahil sa dengue na dulot ng killer lamok sa rehiyon ng Ilocos.
Ayon kay Dr. Cherry Versola-Pekas, officer-in-charge sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng Department of Health sa Region 1. Umabot din sa 1,259 kaso ang naitalang nasa ospital dahil na rin sa dengue at pumapantay na ang bilang ng napatay noong nakalipas na taon.
Sa talaan ng DOH Region 1, simula sa unang araw ng Setyembre 2005, umaabot sa 749 kaso ng dengue ang naitala sa Pangasinan na may pitong nasawi.
Sinundan naman ng La Union na nakapagtala ng 342 kaso at isa ang namatay, samantala, aabot sa 96 kaso ang naitala sa Ilocos Norte na tatlo naman ang namatay habang sa Ilocos Sur ay 74 kaso na may dalawang natodas.
Sa nakalipas na taon ay umabot sa 1,482 kaso ng dengue ang naitala, kumpara sa kasalukuyang taon na aabot lamang sa 1,259, subalit inaasahang mapipigil, ang pagtaas ng bilang dahil sa patuloy na programa laban sa dengue, ang ipinatutupad ng Department of Health at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Kumukuha ng blood samples sa mga biktimang may sintomas ng dengue at ipinadadala sa St. Lukes Hospital sa Maynila para sa beripikasyon, ayon pa kay Pekas. (Jun Elias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended