Tirador ng cellphone huli
September 19, 2005 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Bumagsak muli sa kulungan ang isang 27 anyos na binata na tirador ng cellphone matapos makorner sa harapan ng Capitol Hotel kahapon ng madaling-araw sa bayang ito.
Kinilala ni P/Supt. Antonio Freyra, hepe ng pulisya sa bayang ito ang suspek na si Crisostomo Zaldo, 27-anyos pansamantalang naninirahan sa bayan ng Mercedes.
Batay sa talaan ng pulisya, huling naging biktima ng pang-aagaw ng cellphone (3315) ang tindahan ni Brgy Kagawad Rodolfo Ponayo 61 anyos may-asawa ng Brgy 3-Daet. Nabatid na makailang beses ng labas pasok ang suspek sa kulungan subalit dala ng labis na kahirapan at pagiging ulilang lubos muling nang-agaw ng cellphone at ibinenta sa bayan ng Labo.
Nabatid pa na ang suspek ay maraming nabiktima sa kasong cellphone snatching.
Matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad sa presensiya ng suspek sa nasabing bayan ay agad itong pinostehan na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.
Sising alipin naman ang suspek matapos na muling masakote ng pulisya. (Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended