Kumander ng NPA sumuko

Laoag City – Isang Commander ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko sa mga batas sa lungsod na ito, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni Sr. Supt. Juan Luna, PNP Director ang sumuko na si Alredo Magdaleno, 50 anyos ng Bulala, Camalaniogan, Cagayan.

Isinuko rin nito ang kaniyang M 16 armalite rifle na may dalawang magazine na puno ng mga bala.

Sinabi ni Luna na ang pagsuko ng nasabing rebel leader ay matapos ang masusing negosasyon na isinagawa ng ilang mga asset ng pulisya sa lungsod na ito.

Ayon kay Magdaleno nagdesisyon siyang sumuko upang makapagbagumbuhay na sa piling ng kaniyang pamilya.

Maliban dito ay hindi na rin umano niya matagalan ang matinding hirap at gutom sa pamumuhay sa kagubatan.

Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng mga awtoridad ang sumukong opisyal ng mga rebeldeng komunista. (Myds Supnad)

Show comments