Bicol Region, Rizal binaha
September 17, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Lubog sa tubig-baha ang apat na munisipalidad at dalawang lungsod sa Bicol Region habang dalawa namang bayan ang apektado sa Rizal sanhi ng active low pressure area.
Sinabi ni National Disaster Coordinating Council Spokesman Dr. Anthony Golez Jr. na kabilang sa naapektuhan ay mga bayan ng Libon, Oas, Camalig, Guinobatan at ang Ligao City at Legazpi City na kapwa nasa Albay.
Kabilang din sa binaha ay ang mga Barangay Burabod, San Vicente, San Isidro, Bacolod at Baclas na pawang nasa bayan ng Libon; Barangay Basak, Bungaran, Ubaliw sa bayan ng Oas; Barangay Tagaytay sa Camalig; Barangay Masurawag, Maninila sa bayan ng Guinobatan; Barangay Tinampok sa Ligao City at Barangay Puro sa Legazpi City.
Libong residente naman ng mga nabanggit na lugar ang naapektuhan sa tubig-baha kabilang na ang mga kinakanlong sa evacuation center sa Ligao City.
Kaugnay nito anim na trak ng militar ang idinispatsa ni Major General Ricardo Nobleza, commander Armys 9th Infantry Division (ID) para ihatid sa patutunguhan ang mga na-stranded na pasahero sa mga binahang lugar. Samantala, sa lalawigan ng Rizal, may 100 pamilya naman mula sa inilikas sa Barangay Calayan, Angono, Rizal.
Kasunod nito, umapaw na ang Danglan River Flood Control Dike sa bayan ng Gabaldon sa Nueva Ecija bunsod para ilikas ang mga residente sa mga barangay South at North Poblacion maging ang barangay Sawmill. Sa huling tala, namataan ang active low pressure area may 60 kilometro sa timog silangan ng Iba, Zambales at inaasahang tatahak na sa kanlurang direksyon sa bilis na 19 kilometro bawat oras. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended