^

Probinsiya

Trader nailigtas sa Pentagon KFR

-
CAMP AGUINALDO — Makalipas ang santaon at pitong buwang pagkakabihag, nasagip ng mga operatiba ng pulisya at militar ang isang negosyante na dinukot ng notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) sa isinagawang rescue operation sa bulubunduking bahagi ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, kamakalawa.

Ang biktimang si Zuela Guillermo Karsi, 53, may-ari ng grocery store sa Barangay Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat ay dinukot ng grupong Pentagon KFR na pinamumunuan ni Mayangkang Saguile noong Pebrero 12, 2004.

Nabatid sa ulat na dakong alas-7:30 ng gabi nang magpang-abot ang mga operatiba ng pulisya ng Datu Odin, tropa ng Army’s 6th Infantry Division (ID) laban sa grupo ni Saguile tangay ang biktima sa bahaging sakop ng Barangay Kurintem sa nabanggit na lugar.

Tumagal ng 30-minutong putukan ang sagupaan hanggang sa napilitang magsitakas ang mga kidnaper na sinamantala ang kadiliman ng gabi at inabandona ang kanilang bihag na mabilis at ligtas na nabawi ng mga awtoridad.

Nasa pangangalaga ng Police Regional Office (PRO) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang biktima para maisailalim sa medical check-up. (Joy Cantos)

AUTONOMOUS REGION

BARANGAY KURINTEM

BARANGAY POBLACION

DATU ODIN

DATU ODIN SINSUAT

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

MAYANGKANG SAGUILE

MUSLIM MINDANAO

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with