^

Probinsiya

Killer ng brodkaster nasakote

- Joy Cantos -
CAMP CRAME – Nalambat ng mga tauhan ng pulisya ang isa sa tatlong suspek sa pagpatay ng isang sikat na lokal na radio commentator sa isinagawang operasyon sa Dipolog City kamakalawa.

Ang suspek na si Robert Woo alyas Wang Yu, 32, ay nadakip sa bahaging sakop ng Santa Isabel Village sa nabanggit na lungsod dakong alas-3 ng hapon, ayon kay Task Force Newsman Senior Supt. Pedro Tango.

Armado ng warrant of arrest na inisyu ng Dipolog City Regional Trial Court Branch 6 nang salakayin ang pinagkukutaan ng suspek na si Woo.

Sa talaan ng pulisya, ang biktimang si Klein Cantoneros, commentator ng dxAA radio ay pinagbabaril ng mga suspek na sakay ng motorsiklo ang biktima sa Dipolog City noong Mayo 4.

Ang sunud-sunod na pamamaslang sa mediamen sa Pilipinas ay nagbunsod sa New York-based Committee to Protect Journalists (CPJ) para bansagan ang bansa bilang pinakamapanganib na lugar sa mundo laban sa larangan ng malayang pamamahayag.

Sa taong ito, limang mamamahayag na ang pinaslang habang13 mediamen naman ang naitala noong 2004 na kabuuang 68 pinatay simula nang mapanumbalik ang demokrasya sa bansa.

DIPOLOG CITY

DIPOLOG CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

KLEIN CANTONEROS

NEW YORK

PEDRO TANGO

PROTECT JOURNALISTS

ROBERT WOO

SANTA ISABEL VILLAGE

TASK FORCE NEWSMAN SENIOR SUPT

WANG YU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with