Mag-asawang rekruter dinakma
September 15, 2005 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mag-asawa na inireklamong iligal rekruter matapos na salakayin ang bahay ng huli sa bahagi ng Sta. Rosa. Laguna kamakalawa ng hapon. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ulric Canete ng Mandaue City Regional Trial Court, kalaboso ang binagsakan ng mga suspek na sina Gary at Ada Serafin ng Zamboanga City. Lumitaw sa imbestigasyon ni P/Supt.
Henry Daaca ng CIDG-Laguna, ang mag-asawang suspek ay inireklamo ng 50 biktimang pinangakuan ng trabaho sa ibang bansa kapalit ng malaking halaga, subalit hindi natuloy dahil sa kawalan ng dokumento. Humingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga biktima at naisampa sa korte ang kaso kaya dinakip ang mga suspek. (Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended