Magsasaka itinumba ng kabaro

NUEVA ECIJA — Pinaniniwalaang lupaing sinasaka ang pinagtalunan kaya nauwi sa patayan matapos na barilin at mapatay ang isang 40-anyos na magsasaka ng kapwa magbubukid habang nag-iinuman ng alak sa bahagi ng Barangay Malasin sa bayan ng San Jose, kamakalawa ng hapon.

Napuruhan ng bala sa tiyan ang biktima na si Victor Pascua ng Sitio Francisco ng nabanggit na barangay, samantala, naaresto naman ang suspek na si Rodolfo Banigued, 46, ng nasabi rin barangay. Sa ulat na isinumte kay P/Supt. Antonio Adawag, nauwi sa pikunan ang pagtatalo ng dalawang magkaibigan at dahil sa kapwa lango sa alak ay nagawang paslangin ng suspek ang kaibigan. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments