^

Probinsiya

Lider ng Pentagon KFR natimbog

-
CAMP AGUINALDO – Bumagsak sa kamay ng militar ang isang notoryus na lider ng Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang makaraang masita sa checkpoint na inilatag ng tropa ng Phil. Army kamakalawa ng gabi sa Zamboanga del Norte.

Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Norham Amil alyas Commander Ramsie na sangkot sa serye ng kidnapping sa ilang bahagi ng Western, Central at Southern Mindanao.

Napag-alamang si Commander Ramsie ay may patong sa ulong P.5 milyon at kabilang sa most wanted na nasa watchlist ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTF).

Ang grupo ni Ramsie ay pangunahing responsable sa pagdukot sa mayayamang negosyante sa rehiyon partikular na ang mga Filipino-Chinese at maging mga dayuhang pari.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga, nakorner sa checkpoint ng Army Special Forces si Commander Ramsie sa bayan ng Leon Postigo, Zamboanga del Norte.

Matatandaan na pinalakas pa ng AFP ang anti-kidnapping drive sa pamamagitan ng checkpoints upang masupil ang insidente ng kidnapping na karaniwan ng kinasasangkutan ng Pentagon KFR gang at ng mga bandidong Abu Sayyaf Group. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

ARMY SPECIAL FORCES

CHIEF OF STAFF GEN

COMMANDER RAMSIE

GENEROSO SENGA

JOY CANTOS

LEON POSTIGO

NATIONAL ANTI-KIDNAPPING TASK FORCE

NORHAM AMIL

NORTE

SOUTHERN MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with