^

Probinsiya

Pulis kinatay ng asawang parak

- Joy Cantos -
CAMP CRAME — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang babaeng pulis ng sariling mister na pulis din matapos na tumanggi ang una na makipagbalikan sa sadistang asawa sa naganap na karahasan sa Barangay Sambag 1, Cebu City kamakalawa ng hapon.

Dalawampu’t isang saksak ang tumapos sa buhay ng biktimang si PO2 Luchelle Luchavez Tejano, 25, nakatalaga sa Family Juvenile Gender Sensitivity Section ng Police Regional Office (PRO) 7.

Tugis ngayon ng mga awtoridad ang suspek na ibinilang sa mga most wanted na kriminal na nakilalang si PO1 Karl Luo Tejano, 26, nakadestino sa Police Regional Office (PRO) 9 sa Pagadian City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo sa bahay ng biktima ang suspek sa # 242 C Gotaniuy Compound sa nabanggit na barangay upang sunduin ito at ang anak na babae, pero tumanggi ang una na sumama.

Nabatid na ang biktima ay isang battered woman‚ kaya ayaw makipagbalikan sa kaniyang asawa na isa pa namang naturingang tauhan ng pulisya.

Bunga nito, nagdilim ang isipan ng suspek matapos gulpihin ang kaniyang misis at mamilipit ito sa sakit.

Sa kabila naman nang iniindang sakit sa katawan ay nagawang makatakbo ng biktima at nagkulong sa kuwarto, subali’t puwersahan binuksan ng suspek at isinagawa ang brutal na pamamaslang bago tumakas.

BARANGAY SAMBAG

BUNGA

C GOTANIUY COMPOUND

CEBU CITY

DALAWAMPU

FAMILY JUVENILE GENDER SENSITIVITY SECTION

KARL LUO TEJANO

LUCHELLE LUCHAVEZ TEJANO

PAGADIAN CITY

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with