Trader itinumba ng bayaw
September 13, 2005 | 12:00am
OLONGAPO CITY Nauwi sa madugong komprontasyon ang pagtatalo ng mag-bayaw matapos barilin sa mata at mapatay ang isang 58-anyos na negosyante ng dahil lamang sa away sa lupa kamakalawa ng gabi sa Barangay Calapandayan, Subic, Zambales.
Sa nakarating na ulat kay P/Supt. Rogelio Aspe, hepe ng pulisya sa bayan ng Subic, nakilala ang biktima na si Erlinda De Leon ng Purok 5, Barangay Calapacuan, Subic sa nasabing lalawigan.
Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Virgilio Diones, 50, ng nabanggit din barangay.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Nasser Abdurasul, chief investigator ng Subic-PNP, dakong alas-6:45 ng gabi nang lapitan at barilin ng suspek ang biktima habang may kausap na kaibigan sa naturang lugar.
Naisugod pa ang biktima sa Mt. Carmel Hospital sa nasabing bayan, subalit namatay din ito dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang kaliwang mata na tumagos sa ulo.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na away sa lupa ang naging motibo ng pamamaslang sa biktima na sinasabing matagal ng may alitan ang mag-bayaw. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest