^

Probinsiya

1 Pang Meningo victim patay na

-
Namatay na ang isang 40 anyos na ikaapat na biktima ng kinatatakutang sakit na ‘meningococcemia’ sa isang pribadong pagamutan sa Dagupan City, Pangasinan, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ni Dr. Leonard Carbonell, City Health Officer ng lungsod, nasawi sa loob ng Villaflor Hospital ang biktima.

Agad namang inilibing ang bangkay na hindi na pinaglamayan ng kaniyang pamilya sa loob ng 12 oras dahilan sa pangamba ni Carbonell na meningo ang naging sakit nito.

Bagaman sakit na ‘septicemia’ ang nakasaad sa death certificate ng biktima ay malaki pa rin ang posibilidad na nasawi ito sa nasabing karamdaman.

Nabatid na pinakaligtas na deskripsyon ang ‘septicemia’ na sakit na nangangahulugan ng pagkakaroon ng hindi mabatid na bacteria sa dugo ng biktima na tumangging pangalanan dahilan baka kutyain at pandirihan ang pamilya nito sa kanilang lugar. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BAGAMAN

CARBONELL

CITY HEALTH OFFICER

DAGUPAN CITY

DANILO GARCIA

DR. LEONARD CARBONELL

NABATID

NAMATAY

PANGASINAN

VILLAFLOR HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with