Negosyante hinoldap, pinatay
September 11, 2005 | 12:00am
CAVITE Isang computer shop ang nilooban at hindi pa nasiyahan ang apat na kalalakihan sa mga natangay ay binaril pa ang may-ari nito bago tuluyang tumakas kamakalawa sa Silang.
Bunsod ng tinamong isang tama ng bala sa tiyan, kritikal ang lagay sa DLSU Medical Center ang biktimang si Mario Marayag, 37, may-asawa, negosyante at naninirahan sa JP Rizal St., Brgy. 5, Silang.
Sa ulat ni PO2 Dennis Patambang, may hawak ng kaso, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang pasukin ng apat na armadong kalalakihan ang Carlins Computer Center na nasa JP Rizal St., Brgy. 5, ng nasabing bayan na pag-aari ng biktima.
Lumabas sa pagsisiyasat, nagpanggap na mga kostumer ang mga suspek ngunit nang makapasok ay bigla na lang nagdeklara ng holdap sabay labas ng kanilang maiigsing baril.
Dahil dito, mabilis na natangay ng mga suspek ang kita ng shop na P1,000, tatlong piraso ng cellphone ng mga kostumer at isang computer CPU. Bago tuluyang tumakas ay binaril pa ng mga suspek ang biktima na tumama sa tiyan nito at pagkatapos ay mabilis na nagsisakayan sa isang puting Toyota Corolla taxi na may plakang TVR-135 na pinaghahanap na ng mga awtoridad sa kasalukuyan. (Lolit R. Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended