^

Probinsiya

Bitay sa amang nagmasaker sa asawa, 2 anak

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Isang ama ang napabilang sa listahan ng mga bibitayin sa pamamagitan ng lethal injection matapos hatulan ng kamatayan ng isang hukom sa lalawigang ito sa kasong pagpatay sa kanyang asawa at dalawang anak.

Batay sa desisyon ni Exec. Judge Jose B. Rosales ng Regional Trial Court (RTC) Branch 27 na nakabase rito, kanyang hinatulan ng kamatayan si Dionisio Calonge, tubong Cebu at residente ng barangay Cabuluan Villaverde sa lalawigang ito matapos siyang ituro ng kanyang panganay na anak na tanging nakaligtas nang paslangin ng akusado ang kanyang mag-iina noong Disyembre 01, 2001.

Ayon sa mga rekord na hawak ng korte, naganap ang pagpatay ni Calonge sa kanyang asawa na si Rosita, 36 at dalawang anak na sina Kimberly, 6, at Dony Rose, 4 sa mismong tahanan nila sa Brgy. Cabuluan Villaverde bandang alas-4 ng madaling-araw habang nasa kasarapan ng tulog ang mag-iina.

Mapalad at himalang nakaligtas ang isang biktima na si Melody, 9, panganay sa tatlong magkakapatid na anak ng akusado sa kabila ng mga tinamong mga malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa sinumpaang salaysay ni Melody, kitang-kita niya nang pagtatagain ng kanyang ama ang kanyang ina at dalawang kapatid habang natutulog dahil sa hindi siya napuruhan sa kabila ng kanyang tinamong mga sugat sa katawan kung kaya nagkunwari itong patay.

Nabatid na matapos matiyak ng akusado na patay ng lahat ang kanyang pamilya ay tinangka nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pagtarak ng patalim sa kanyang leeg at katawan subalit mababaw lang ang kanyang sugat. Magkakasamang dinala ang mga biktima sa pagamutan kasama ang akusado ng sumaklolong kaanak sanhi ng pagkakaligtas ng huli at panganay nito.

Mariing itinanggi ng akusado ang krimen subalit mas pinaniwalaan ng korte ang testimonya ni Melody na siyang nakaligtas sa masaker. (Victor P. Martin)

vuukle comment

AYON

BATAY

CABULUAN VILLAVERDE

DIONISIO CALONGE

DONY ROSE

JUDGE JOSE B

KANYANG

NUEVA VIZCAYA

REGIONAL TRIAL COURT

VICTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with