Magkaibigan kinatay sa videoke bar
September 10, 2005 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Burdado ng saksak ang magkaibigan at kapwa hindi na umabot nang buhay sa pagamutan makaraang pagtulungan ang mga ito ng grupo ng kalalakihan na nakaalitan nila sa loob ng isang videoke house, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Iba, bayan ng Silang.
Ang mga biktima ay sina Antonio Reyes, 57, magsasaka at Jose Arcangel, 35, tubong Tabaco, Albay at kapwa may asawa at residente ng Ilayang Pulo ng nasabing lugar. Nadakip naman ang dalawa sa mga suspek na sina Nestor Nuñez, 43, laborer, tubong Pili, Bicol at Agustino Sarmiento 43, binata, tubong Candune, Bacolod City habang mabilis namang nakatakas ang tatlo nilang kasamahan na sina Joselito Alberes, Rogelio Umbao at Gil Umbao, pawang nakatira sa nasabi ring lugar.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Erwin Laureles, may hawak ng kaso, dakong alas-9 ng gabi habang nag-iinuman ang magkaibigan sa isang videoke house nang magkaroon ng matinding pagtatalo sa pagitan ng mga ito at mga suspek na noon ay nasa kabilang mesa hanggang sa mauwi sa pananaksak sa mga biktima.
Mabilis namang dinala sa UMC Hospital ang mga biktima subalit idineklarang dead-on-arrival. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest