^

Probinsiya

7 mangingisda tiklo sa illegal fishing

-
BATAAN – Dinakip at inaresto ng pinagsanib na puwersa ng mga kagawad ng Provincial Bantay Dagat at Limay Municipal Police ang pitong mga mangingisda matapos na aktong illegal na nanghuhuli ng mga lamandagat sa karagatang sakop ng Brgy. Lamao, Limay, ng lalawigang ito.

Kinilala ni P/C Insp. Luisito Magnaye, hepe ng Provincial Intelligence ang Investigation Branch ang dalawang piloto ng mga bangka na naaresto na sina Ronquillo Miguel na may dalawang tauhang kasama at Teodoro Miguel na may tatlo namang kasamahan na pawang nakatira sa Sto Rosario Hagonoy Bulacan. Ayon kay SPO4 Deo Vicmudo, chief investigator ng PIIB, dakong alas-8:30 ng umaga habang nagsasagawa ng foot patrol sa dalampasigan ang mga tropa ng mga Bantay Dagat at pulisya ay namataan ng mga suspek ang kahina-hinalang ikinikilos ng mga mangingisda at ng kanilang lapitan ay positibo ang mga mangingisda ay nanghuhuli ng isda sa pamamagitan ng trawl at pinong lambat na labag na labag umano sa itinatadhana ng batas.

Nakumpiska ang mga pulisya ng aabot sa 35 kilong sugpo, 40 kilong alimango at 50 kilong iba’t ibang klaseng isda sa mga suspek. (Ulat ni Jonie Capalaran)

vuukle comment

BANTAY DAGAT

C INSP

DEO VICMUDO

INVESTIGATION BRANCH

JONIE CAPALARAN

LIMAY MUNICIPAL POLICE

LUISITO MAGNAYE

PROVINCIAL BANTAY DAGAT

PROVINCIAL INTELLIGENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with