Abu strikes again!
September 10, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Isang grupo ng mga guro ang umanoy kinidnap ng mga armadong kalalakihan na hinihilang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Isabela City, Basilan kahapon ng umaga.
Ito ang inihayag kahapon ni Basilan Bishop Martin Jumaod sa isang radio interview.
Ayon kay Jumoad, mismong ang mga kawani ng Christian Children Fund sa lungsod ang nagsabi sa kanya sa insidente bagamat hindi ito naidetalyeng mabuti dahil sa nangangatog pa umano ang mga ito sa matinding takot.
Nabatid na dakong alas-8 ng umaga habang ang grupo ng mga guro ay patungo sa Kapatagan Elementary School may 12 kilometro ang layo sa Isabela City nang harangin at dukutin ng mga armadong kalalakihan.
Sa isang panayam, sinabi ni Brig. Gen. Raymundo Ferrer, ng 103rd Brigade ng Philippine Army na kasalukuyan pa nilang beneberipika ang naturang ulat.
"We are still verifying the veracity of the report, I already send our troops in the area," ani Ferrer.
Kahalintulad na pahayag rin ang sinabi ni Supt. Abdulwahab Karimuddin, ng Basilan Provincial Police Office sa nasabing insidente kung saan ay pinaiimbestigahan na niya ito.
Maging si Supt. Angelito Casimiro, hepe ng Western Mindanao Police Intelligence Office ay nagpadala na rin ng kanyang operatiba sa Isabela City upang alamin ang nasabing insidente ng pangingidnap. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended