^

Probinsiya

Kawatan natodas sa kuryente

-
IBA, Zambales – Isang 25-anyos na lalaki na pinaniniwalaang notoryus na kawatan sa kanilang lugar ang iniulat na nasawi makaraang makuryente sa bahay na kanyang pagnanakawan sa Sitio Sagapan, Barangay Zone III, kamakalawa ng gabi. Halos matusta ang bangkay ni Mark de Leon ng Lipay-Dingin, Iba, Zambales matapos na makahawak sa talop na linya ng kuryente habang papasok ng bahay na pag-aari ng pamilya Morete.

Sa ulat na isinumite ni SPO4 Nestor Bajas kay P/Senior Inspector Remegio Magno, ang bangkay ng biktima ay tadtad ng tattoo sa katawan at posibleng kasapi ng grupong akyat-bahay na bumibiktima sa kabahayan sa nabanggit na bayan. Inaalam ng pulisya kung may record na kriminal si De Leon sa ibang himpilan ng pulisya sa Zambales. (Ulat ni Fred Lovino)

vuukle comment

BARANGAY ZONE

DE LEON

FRED LOVINO

INAALAM

ISANG

LIPAY-DINGIN

MORETE

NESTOR BAJAS

SENIOR INSPECTOR REMEGIO MAGNO

SITIO SAGAPAN

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with