^

Probinsiya

Kampanya vs bawal na gamot pinaigting ng pulisya

-
ANTIPOLO CITY – Dahil sa patuloy na kampanya laban sa bawal na gamot ay ipinagmalaki ng pulisya na malaki ang ibinaba ng naitalang krimen sa lungsod na ito na may kaugnayan sa droga.

Ayon kay P/Supt. Primitivo Tabujara, hepe ng Antipolo police, sa nakalipas na dalawang buwan ay nakapagtala lamang ng 38 iba’t ibang kaso ng krimen ang pulisya sa nasabing lungsod at 20 porsyento lang dito ang may kaugnayan sa ilegal na droga, mas mababa ng 30 porsyento noong nakalipas na taon.

Lumalabas na 38-kaso ay 35 dito ay pawang naresolba at nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na ng kaso sa korte.

Dagdag pa ni Tabujara na napakalaki ng nagawa ng pamunuang lungsod ng Antipolo dahil sa patuloy na suporta sa kapulisan.

Ayon kay Tabujara na mas tinutukan nila ang ilegal na droga upang tuluyang maging drug free ang nasabing lungsod.

Tinawanan lang din ni Tabujara ang napaulat sa isang weekly community paper dalawang linggo na ang nakalipas na talamak ang bentahan ng droga sa nasabing lungsod at sinabi nitong pati trabaho ng pulis ay pinupulitika na rin sa nasabing lungsod. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

DAGDAG

DAHIL

EDWIN BALASA

LUMALABAS

LUNGSOD

PRIMITIVO TABUJARA

TABUJARA

TINAWANAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with