^

Probinsiya

Shabu dealer sa Zambales, dakma

-
OLONGAPO CITY – Nadakma ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEA), Subic-PNP at lokal na barangay officials ang itinuturing na ika-2 most wanted shabu dealer/pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Calapacuan, Subic, Zambales kamakalawa ng tanghali.

Sa ulat ni P/Sr. Insp. Rogelio S. De Vera kay PDEA Regional Director 3 P/Supt. Jerome Baxinela, kinilala ang suspek na si Tari T. Abdurasib, alyas Taning, 34, ng Purok 1 ng nabanggit na barangay.

Si Abdurasib ay nasakote sa buy-bust operation ng PDEA dakong alas-11 ng ng umaga makaraang pagbentahan ang poseur buyer ng isang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,000.

Napag-alamang biglang tumalon sa bakod ng bahay nito ang suspek at lumusong sa dagat matapos na makahalatang dadakmain na siya ng mga awtoridad, subalit mabilis din itong naaresto ng mga tauhan ng PDEA na naka-puwesto na sa naturang lugar sakay ng mga motorized banca.

Ang suspek ay nakatala sa listahan ng pulisya bilang pangalawa sa notoryus na drug pusher at dealer sa nasabing probinsya.

Ang pagkakadakip sa suspek ay base na rin sa koordinasyon at pakikipagtulungan ni Barangay Calapandayan Chairman Rowel Sarmiento at mga miyembro ng BSPO. (Ulat ni Jeff Tombado)

BARANGAY CALAPACUAN

BARANGAY CALAPANDAYAN CHAIRMAN ROWEL SARMIENTO

DE VERA

DRUG ENFORCEMENT GROUP

JEFF TOMBADO

JEROME BAXINELA

REGIONAL DIRECTOR

ROGELIO S

SI ABDURASIB

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with