2 nilikida sa bilyaran
September 6, 2005 | 12:00am
MORONG Rizal Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang kalalakihan ng dalawang hindi pa kilalang suspek na nakasuot ng bonnet habang nagbibilyar ang mga biktima kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Guillermo ng bayang ito.
Ang mga biktima na nagtamo ng tama ng bala sa ulo sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang sina Jigs San Jose, 30, ng Sitio Labas ng nasabing barangay at Christian Aquino, estudyante at residente ng Brgy. Dulongbayan, Teresa, Rizal.
Ayon kay Sr. Supt. Freddie Panen, Rizal provincial director, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon habang nagbibilyar ang dalawa.
Biglang dumating ang isang motorsiklo na hindi nakuha ang plaka sakay ng dalawang naka bonnet na suspek na pawang armado ng baril at mabilis na tinungo ang pinaglalaruan ng mga biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.
Matapos ang pamamaslang ay mabilis ding tumakas ang mga ito sakay ng motorsiklo.
Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa ikalilinaw ng kaso at posibleng pag-aresto ng mga suspek. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended